Magnum

Kagabi pagkatapos manood ng masaya at nakakaaliw na laro ng  Ginebra Gin Kings kontra sa  Talk n Text , biglang lumitaw ang komersyal ng Magnum Ice Cream. Tinanong ko ang kuya ko kung natikman na niya ang Magnum. Hindi pa daw. Bilang mabait na kapatid, niyaya ko syang kumain. Sagot ko ang ice cream pero sya ang bibili sa malapit na Mini-stop store.

Pagbalik ng kuya ng kuya ko. Nagtanong siya bakit ang mahal ng Magnum Ice Cream. Hindi ako sumagot agad.

“Tikman mo muna.”

Matapos buksan ang Magnum Ice Cream, ayun nalaman na nya ang sagot.

“Iba ang tamis at sarap ng Ice Cream na yan!!!”

Para sa kaalaman ng nakakarami, natanong nyo ba bakit mahal ang presyo ng Magnum Ice Cream? Tara silipin natin kung magkanu ang presyo ng Magnum sa iba’t ibang bansa.

Magnum Price Index

Buti na lang mura pa ang Magnum sa Pinas. Pero sa bulsa ng nakararami mahal pa rin ang P50. Naging maingay ang pagdating ng Magnum sa Pinas. Kaya naman pati sa opisina, sa pantry tuwing coffee break or tea break Magnum ang maririnig mo kapag kwentuhang ice cream ang pinag-uusapan.

Kapag naubos na ang Ice Cream… may letrang M na lulutang.

Ikaw ano kwentong Magnum mo? Pasado ba sa lasang Pinoy?

Mahal o mura?

Masarap o hindi?

Advertisements

Coffee or Tea?

It’s feels great to start a new blog especially on 11-11-11. I am not a numerologist and I don’t know what is the mystical meaning or magical effect having three elevens on a single date. Ang alam ko lang merong promo ang Mang Inasal sa araw na to. Uulan daw ng maraming manok! Hind ako fan ng number eleven. Mas pipillin ko pa ang number 3 or 17 sa jersey number ko. However for unknown reason I decided to open a new blog on this date. Maybe because of the frenzy thought that 11-11-11 is special.

Ang sikat na alam kong nakilala sa Number 11!

Maraming tao ang nagsasabing this day is a great day in making wishes. When the clock at the bottom right of my computer showed 11:11 AM 11/11/11 I paused for a moment from my work and I joined the millions of believers in making wishes.

Humiling ako.

Hindi ko na iboblog kung ano ang wish ko. Well there’s no harm in believing. Nakakatuwang isipin na nagkaroon tayo ng dahilan to make a wish aside from making one on our birthdays.

Mabalik ako sa number eleven, sabi sa news sa TV ang eleven daw ay may Biblical meaning. Ang eleven daw ay sumisimbolo ng New Season. Wow! When I watched this one, I smirked and say, “Sabi ko na nga ba eh, ngayon dapat ako mag-uumpisang magblog sa bago kong blog.”

Having been a blogger for a couple of years already, sanay na akong mag-open ng bagong blog tapos sa bandang huli hahayaan na lang na inactive at magiging parte ng dumi ko sa internet. Bilang beterano sa paggawa ng blog magtatanong ka siguro brad bakit pa ako nagbukas ng bago. Adik ba ako o sadyang di lang makuntento sa mga blog ko?

Actually I have no reason why I decided to. Nagising na lang ako isang araw at napaisip gumawa ulit ng bagong blog – a blog that will speak about my present time. So here I am opening a new project, a new chapter of my blogging career- introducing mainit-init pa fresh from oven- Koffeeteady!

Hindi ko po ito pangalan. Hindi po Teddy ang pangalan ko. Hindi rin po ito pangalan ng pusa ko. Hindi rin ito kombinasyon ng pangalan ko at ex ko. Ang pangalan ay hango lang sa dalawang inuming paborito ko- ang coffee at tea.

I coined the name from Coffee and Tea because I am brewed coffee addict in the morning and a green tea lover at night. And to make the name easily be remembered, I made it to sound like a name of person. Siyanga pala ang Koffeeteady pala is eleven-letter name! What a coincidence!

At dahil hango sa magkaibang inumin ang blog na ito, dalawang magkaibang kwento rin ang mababasa sa bagong blog ko.

The coffee story is like the coffee we all know. Ito yung mga kwentong umaga pa lang ang bitter na! Kaya kailangang pasarapin. Ito rin ang mga kwentong may tapang at kayang gisingin ang ating natutulog na katawang lupa. Ito ang kwentong nagsasabing walang matigas na tinapay sa mainit na kape. Ito ang kwentong hinahanap-hanap nating basahin sa gabing malamig at walang makasama kaya nakadunaw na lang sa bintana habang hawak natin ng dalawang kamay an gating precious cup of coffee. Ito rin ang mga kwentong nagbibigay ng dahilan kung para kanino tayo bumabangon. Ito ang mga kwentong hyper dahil sa caffeine at nagdudulot ng palpitation. Ito ang kwentong Koffee ko.

And of course kung mayroon mang overactive stories meron din medyo mellow stories.  Ito naman ang mga kwentong over a cup of tea. Di na mawawala ang pagiging emo ng isang blogger. Hindi ako emotional na blogger to the nth power pero sa tingin sa blog na to baka hindi ko mapigilang ibuhos kung ano damdamin ko kagaya ng pagbuhos ng isang litrong ice tea galing sa pitcher. Ito ang kwentong nakakabadtrip, nakakalungkot at nakakaemo. Ito rin ang kwento ng seryosong side ng buhay ko. Ito ang kwento ng aking saloobin at kalaliman ng aking pananaw sa buhay. Ito ang Kwentong Tea ko (huwag mong uuliting banggitin ang Tea… at magiging bastos ang dating). Panira ka sa EmoTeacon  mode ko.

In the days to come stories will be brewed- coffee or tea and I just hope it will add color to your life. Sana sakto sa timpla at panlasa ninyo ang mga kwentong inyong maiinum.

Coffee and Tea make good sense to me!

Order na!

Good Morning Mam/Sir may I take your order… Coffee or Tea?

Hanggang sa muling tasa,

Koffeeteabarista

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.